(Disregard some of the typos.)
1.) Hindi required na araw-araw magpalit ka ng DP. Hindi araw-araw required na magpost ka ng litrato mo. Alam mo kung ano required? SCHOOL REQUIREMENTS. MAG-ARAL KA NAMAN, PARA TUMALI-TALINO KA AT NANG HINDI KA IKAHIYA NG MGA MAGULANG MO AT NAGPAPA-ARAL SA'YO SA KALANDIAN MO.
2.) Tandaan, wala kaming pakialam kung *girl gamer* ka o hindi, dahil hindi porke babae ka at naglalaro ka ng video games, eh espesyal ka na at may pakialam kami. WALA KAMING PAKE. Maslalo lang maiinis sa inyo ang mga tunay na gamer, dahil 'newbie' o 'weak' na nga lang kayo, feeling niyo pa eh boy magnet kayo. Kamutin mo na lang 'yan.
3.) Wag kang magpanggap na mahilig ka sa sports para lang masabi mong, "boyish" ka at nang makapaglandi ka ng mga lalaki, dahil isang malaking sampal yun sa mga atleta, maari ka ring mahampasan sa mukha ng raketa. Hindi ka 'unique'. Punyeta tawag sa'yo.
4.) Hindi mo kailangang i-post na naglalaslas ka o sinasaktan mo ang sarili mo para sa isang lalaki at i-broadcast pa, dahil kung kailangan mo talaga ng tulong, EH ANO BA, MUKHA BA KAMING PSYCHOLOGIST O COUNSELOR OR WHATEVER NA KAILANGAN MO sabihin mo sa malapit mong kaibigan; hindi mo kailangan ng tulong, papansin ka lang at paawa at gusto mo lang na may magsabi sa'yo na: "stay strong, mahal ka namin". Isang malaking "pakyu" yun sa mukha ng mga taong may sakit o depression (WAG KA RING MAGPANGGAP NA MAY SAKIT KA KUNG AWAY MONG IPAKO SA PADER.)
5.) Wag na wag niyong ibro-broadcast ang mga bagay na dapat itinatagong personal sa buhay niyo, hindi naman kadiring TMI, pero pag-family or related issues, HINDI KAILANGANG MAGPARINIGAN SA LAHAT NG NAPAKALIIT NA DETALYE. Kung may problema kayo, wag niyong lang basta-basta i-post sa social networking sites. Tapos mamaya nagtataka ka na may nangchichismis sayo?!!! Uso mag-isip.
6.) Kung iko-compliment ka, WAG KA NANG PAKIPOT. Kung hindi sumasangayon, e'di wag! Mag-thank you ka na lang, hindi yung tipong, "ANG PANGET KO KAYA", E'DI ANG PANGET MO SIGE, WALA AKONG PAKE, IKAW NA NVA KINOMPLIMENT, IKAW PA MAGAGALIT, ANONG PINAGLALABAN NATIN DITO fishing for compliments lang? Tough luck, you're the only fish left in the sea.
7.) Wag mag-ingles kung hindi kaya. So ano kung magtagalog ka? Lumaki ka sa bansang 'to, kaya normal lang na mag-tagalog ka. HINDI MO KAILANGAN MAGPAKA-SOCIAL CLIMBER. Wag feeling mayaman kung hindi. Maslalo ka lang mapapahiya.
8.) Hindi mo kailangang lagyan ng "is <3" lahat ng bagay ng nakikita mo, o kaya '♥'. ANO 'TO? ♥ Natatae na ako hihi ♥ Pagnatatae ka sa brief is <3
9.) Wag kang pa-cute o mag-feeling maganda. Umayon sa itsura at social status. Hindi mo kailangang mag-update ng "DOTA po, ano po ♥". Hindi ka cute. Mukha kang nilalang inahon sa kailalim-laliman ng lupa na masmasahol pa sa mukha ng ipis. Tama na.
10.) Huwag kang mag-feeling o know-it-all. Yun na. Obvious naman na concepy nun eh. Kung bobo ka, wag kang feeling matalino. Kung tingin mo magaling ka kumanta o sayaw kahit pilit lang boses o katawan mo at halos mabasag na ear drums ng mga nakikinig sa'yo, mahiya ka na. Kung pinagpipilitan mong tama ka kahit scientifically naman na proven eh shunga-shunga ka at statistically proven na outnumbered ka sa sagot mo at pinaiiral mo pa rin na tama ka, e'di magpakatanga ka lang. GO LANG
11.) At huling-huli: WAG KANG MAARTE O MA-DRAMA PARA LANG MAPANSIN KA NG GUSTO MO. Maslalo lang siyang maiinis sa'yo na hindi mo alam, ay unti-unti na palang umaapaw ang kagustuhan niyang itulak ka sa riles na may paparating na tren. Wag kang malandi, wag kang ma-drama, at wag kang maarte. Studies first.
P.S.: This post is not intended for a specific person, but for everyone who does this. Seriously, it's annoying. Go eat a rock or something.
OMG RONA PREACH
ReplyDelete